Reporma't pagbubukas ng Tsina, nakakatulong sa pagsasakatuparan ng target ng UN sa pagpapahupa ng kahirapan

2018-12-14 16:31:34 CRI

Ipinahayag ni Ban Ki-moon, dating Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) na ang reporma't pagbubukas sa labas ng Tsina ay nagdulot ng kapakinabangan hindi lamang sa mga mamamayang Tsino, kundi sa mga mamamayan ng ibang mga bansa. Nakakatulong din ito sa pagsasakatuparan ng UN Millennium Development Goals (MDGs) hinggil sa pagpawi ng kahirapan.

Winika ito ni Ban sa sidelines ng katatapos na 2018 Imperial Springs International Forum (ISIF) sa Guangzhou, punong lunsod ng Guangdong sa dakong timog ng Tsina.

Ayon sa pamahalaang Tsino, nitong 40 taong nakalipas, aabot sa 700 milyong mahihirap na mamamayan sa kanayunan ang nakahulagpos sa karalitaan. Sa taong 2020, inaasahang maiibsan ang kahirapan ng lahat ng natitirang 30 milyong mahirap na mamamayang Tsino.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino