Yang Jiechi, dumalo sa unang Pulong ng Komisyong Konsultatibo ng “Belt and Road” Forum for International Cooperation

2018-12-16 15:21:17

Beijing - Dumalo at bumigkas ng talumpati Linggo, Disyembre 16, 2018, si Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa seremonya ng pagbubukas ng unang Pulong ng Konsultatibong Komisyon ng "Belt and Road" Forum for International Cooperation.

Ipinahayag ni Yang na nitong limang taong nakalipas sapul nang iharap ang inisyatibang "Belt and Road," nakuha nito ang positibong pagkatig mula sa komuidad ng daigdig. Aniya, ang magkakasamang konstruksyon ng "Belt and Road" ay nagiging malawakang komong palagay ng komunidad ng daigdig. Nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng iba't-ibang bansa para mapasulong ang bukas, kooperatibo, at berdeng pag-unlad; at ilabas ang positibong signal ng buong tatag na pagkatig sa multilateralismo sa buong daigdig, ani Yang.

Dagdag pa niya, ang pagtatatag ng nasabing konsultatibong komisyon ay mahalagang bunga ng multilateral na kooperasyon ng "Belt and Road." Umaasa aniya siyang aktibong ihaharap ng mga kalahok ang kanilang mungkahi upang magkakasamang mapasulong ang pandaigdigang kooperasyon ng "Belt and Road."

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino