Estratehikong partnership ng Tsina at Afghanistan, pasusulungin

2018-12-16 15:28:19

Kabul - Sa kanyang pakikipagtagpo Sabado, Disyembre 15 (local time), 2018, kay Pangulong Ashraf Ghani ng Afghanitan, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang kahandaan na magsikap kasama ng Afghanistan, para maisakatuparan nang mainam ang narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa at mapasulong pa ang estratehikong partnership. Aniya, ang Afghanistan ay mahalagang katuwang sa magkakasamang konstruksyon ng "Belt and Road," at nakahanda ang panig Tsino na palawakin kasama ng panig Afghan, ang kalakalan at pamumuhunan ng dalawang panig para tulungan ang Afghanistan sa pagpapabilis ng proseso ng rekonstruksyon at kaunlaran.

Dagdag pa ni Wang, hinahangaan ng Tsina ang ginagawang pagsisikap ng Afghanistan sa pagbibigay-dagok sa terorismo, at nakahanda itong patuloy na magkaloob ng pagkatig at tulong sa Afghanistan sa usaping ito.

Nagpahayag naman si Ghani ng pasasalamat sa ibinibigay na pagkatig at tulong ng Tsina sa Afghanistan sa larangan ng kabuhayan at lipunan. Nakahanda aniya ang Afghanistan na palalimin ang pragmatikong pakikipagkooperasyon sa Tsina.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino