Wang Yi at Abdullah Abdullah, nagtagpo; relasyong Sino-Afghan, isusulong

2018-12-16 15:32:44

Kabul - Sa kanyang pakikipagtagpo Sabado, Disyembre 15 (local time), 2018, kay Abdullah Abdullah, Punong Ehekutibo ng Afghanistan, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang mapagkaibigang relasyon ng Tsina at Afghanistan ay pinahahalagahan ng mga lider at puspusang kinakatigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Afghanistan, upang mapasulong ang walang humpay na pag-unlad ng kooperasyon ng dalawang panig sa iba't-ibang larangan.

Tinukoy ni Wang na natamo at narating ng Ika-2 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Afghanistan, at Pakistan, at isang serye ng komong palagay. Aniya, nakahanda ang panig Tsino, sa pundasyon ng lubos na paggalang sa mithiin ng panig Afghan, patuloy na magpatingkad ng konstruktibong papel. Kakatigan aniya ng Tsina ang proseso ng kompromiso na isinusulong ng pamahalaang Afghan para maisakatuparan ang malawakang kompromisong pampulitika sa lalong madaling panahon. Hinahangaan din aniya ng Tsina ang mga natamong progreso ng relasyon ng Afghanistan at Pakistan. Kinakatigan ng Tsina ang pagpapalakas ng diyalogo, pagpapahigpit ng pagtitiwalaan, at pagpapabuti ng relasyon ng nasabing dalawang bansa para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito, dagdag ni Wang.

Ipinahayag naman ni Abdullah na mainam ang pag-unlad ng relasyong Afghan-Sino, at walang humpay na natatamo ng kooperasyon ng dalawang bansa ang positibong bunga. Pinasasalamatan aniya ng kanyang bansa ang ibinibigay na tulong at pagkatig ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Afghanistan.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino