Ika-3 Understanding China Conference, binuksan; pangulong Tsino, nagpadala ng mensaheng pambati

2018-12-17 15:23:35 CRI

Binuksan nitong Linggo sa Beijing ang Ika-3 Understanding China Conference na may temang "Mga Bagong Lakas-panulak ng Paglaki ng Tsina at Mga Bagong Oportunidad para sa Pandaigdig na Kooperasyon." Kalahok sa komperensya ang mahigit 600 tauhan na kinabibilangan ng mga kilalang diplomata, estratehista at mangangalakal mula sa iba't ibang bansa.

Mga delegado sa kompenrensya

Sa seremonya ng pagbubukas, binasa ni Yang Jiechi, Miyembro ng Pulitburo ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng CPC ang liham na pambati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Bumigkas din si Yang ng talumpati.

Si Yang Jiechi, habang binabasa ang liham ni Pangulong Xi at nagtatalumpati

Sa kanyang liham, sinabi ni Xi na ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma't pagbubukas sa labas. Nakahanda aniya ang Tsina na samantalahin ang okasyong ito para komprehensibong mapalalim ang reporma't pagbubukas at ibayo pang mapasulong ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan at makapagdulot ng mas maraming pagkakataong pangkooperasyon para sa daigdig.

Inanyayahan din Xi ang iba pang mga bansa na magkakasamang itatag ang bagong uri ng pandaigdig na relasyong nagtatampok sa paggagalangan, pagkakapantay-pantay, katarungan, at win-win cooperation, para mapaginhawa ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan.

Salin: Jade 
Pulido: Rhio 
Larawan: Xinhua/Zhang Ling

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino