Tsina, ibayo pang magbubukas sa labas

2018-12-18 13:28:54 CRI

Ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pag-unlad ng Tsina ay nangangailangan ng suporta ng daigdig samantalang ang kasaganaan ng daigdig ay nangangailangan din ng ambag ng Tsina. Kaya, dapat ibayo pang magbukas sa labas ang Tsina para maitatag ang komunidad na may pinagbababahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

Ito ang winika ni Xi sa kanyang talumpati sa pulong bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng reporma't pagbubukas sa labas ng bansa, na binuksan ngayong umaga sa Beijing.

Inulit din ni Pangulong Xi ang pagkatig ng Tsina sa multilateral na sistemang pangkalakalan at pagpapasulong ng liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan. Dagdag niya, magsisikap ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig para maitatag ang bagong plataporma ng pandaigdig na kooperasyon, sa pamamagitan ng magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI).

Ang pag-unlad ng Tsina ay hindi nagsisilbing banta sa anumang bansa, at hinding hindi maghahari-harian sa iba ang Tsina, diin ni Xi.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino