Mga lider ng Tsina at Algeria, nagpadala ng mensaheng pambati sa isa't isa bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko

2018-12-20 13:46:35 CRI

Huwebes, Disyembre 20, 2018, nagpadala ng mensaheng pambati sa isa't isa sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Abdelaziz Bouteflika ng Algeria, bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Kapuwa ipinahayag ng dalawang lider na pasusulungin ang komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Algeria sa bagong antas, para makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.

Nang araw ring iyon, nagpadala naman ng mensaheng pambati sa isa't isa sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Ahmed Ouyahia ng Algeria.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino