Halaga ng pag-aangkat ng Tsina sa 2018, may pag-asang lalampas sa 2 trilyong Dolyares

2018-12-23 15:39:45 CRI

Ayon sa pagtayang ginawa kahapon, Sabado, ika-22 ng Disyembre 2018, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, sa taong ito, may pag-asang lalampas sa 2 trilyong Dolyares ang halaga ng pag-aangkat ng bansa. Mas malaki ang bilang na ito kaysa nakatakdang target, at inaasahang lilikha ng record high.

Ayon sa naturang ministri, ang mabilis na paglaking ito ay bunga ng pagsasagawa ng Tsina ng pagdaragdag ng pag-aangkat.

Sinabi rin nitong, sa susunod na taon, patuloy na ipapatupad ang pagdaragdag ng pag-aangkat, sa mga aspektong gaya ng pagpapalawak ng mga uri ng mga panindang aangkatin, patuloy na pagpapababa ng taripa, pagpapasimple ng mga proseso ng pag-aangkat, at iba pa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino