Tsina, tutupdin ang tungkuling pinansyal sa UN bilang umuunlad na bansa: tagapagsalitang Tsino

2018-12-25 15:05:33

Ipinahayag ng Tsina ang kahandaang tupdin ang mga tungkuling pinansyal nito sa United Nations (UN) bilang isang umuunlad na bansa, habang ito ay nagiging ika-2 pinakamakaling tagapag-ambag sa regular na budget at budget sa misyong pamayapa ng UN.

Sa regular na preskon nitong Lunes, Disyembre 24, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mainit na pagtanggap at suporta ng bansa sa resolusyon ng UN hinggil sa kontribusyon ng mga kasaping bansa sa mga budget sa susunod na tatlong taon.

Tsina, tutupdin ang tungkuling pinansyal sa UN bilang umuunlad na bansa: tagapagsalitang Tsino

Batay sa resolusyon, sa susunod na tatlong taon, ang ambag ng Tsina sa regular na budget ng UN ay tataas sa 12% mula sa kasalukuyang 7.92%, samantalang ang konstribusyon ng bansa sa budget na pamayapa ng UN ay aakyat sa 15.22% mula sa sa kasalukuyang 10.24%.

Dagdag ni Hua, ang pagtaas ng kontribusyon ng Tsina ay bunga ng paglaki ng kabuhayan ng bansa bilang ikalawang ekonomiya sa daigdig. Pero, sa kabila ng paglaki ng pambansang kabuhayan, nananatiling mababa ang per capita national income ng Tsina, kaya kabilang pa sa umuunlad na bansa ang Tsina, saad ni Hua.

Bilang buong-tatag na tagapagsuporta sa multilateralismto, isasakatuparan aniya ng Tsina ang mga pananagutang pinansyal nito sa UN para makapag-ambag sa kapayapaang pandaigdig, habang pinapangalagaan din ang mga sariling lehitimong karapatan, bilang isang umuunlad na bansa.

Hiniling din ni Hua sa lahat ng mga kasaping bansa ng UN na magbayad ng kani-kanilang obligasyon sa mga bugdet ng UN, ayon sa iskedyul para suportahan ang UN sa pagganap ng mas malaking papel sa kapayapaang pandaigdig at komong kaunlaran.

Salin: Jade 
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino