Manupaktura ng Tsina, palalawakin ng pagbubukas sa labas

2018-12-26 16:54:53 CRI

Sinabi kamakailan ni Xin Guobin, Pangalawang Ministro ng Industriya at Teknolohiyang Pang-impormasyon ng Tsina, na nakinabang nang malaki ang pag-unlad ng manupaktura ng Tsina sa pagbubukas sa labas, at sa hinaharap, dapat igiit ang pagbubukas sa labas, para sa de-kalidad na pag-unlad ng industriyang ito.

Ani Xin, batay sa mga hakbangin ng pamahalaang Tsino hinggil sa pagpapalawak ng pagbubukas ng manupaktura, hihikayatin ng bansa ang de-kalidad na pamumuhunang dayuhan sa mga sektor na gaya ng intelligent manufacturing, industrial Internet, small and dedium enterprise, civil aviation, at cyber security. Pasusulungin din aniya ang pamumuhunan sa ibang bansa ng mga bahay-kalakal ng manupaktura ng Tsina, sa ilalim ng Belt and Road Initiative.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino