Mekanismo ng ugnayang panghimpapawid at pandagat ng Tsina at Hapon, makakatulong sa pagpapalakas ng pagtitiwalaan

2018-12-27 09:57:55 CRI

Idinaraos Disyembre 26-27, 2018 sa Beijing ang kauna-unahang taunang pulong ng mekanismo ng ugnayang panghimpapawid at pandagat ng Tsina at Hapon.

Hinggil dito, ipinahayag Disyembre 26 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay may mahalagang katuturan sa pagpapahigpit ng pag-uunawaan at pagtitiwalaan ng dalawang panig, pagpigil sa maling pag-unawa at pagtasa, at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Ani Hua, dumalaw sa Hapon si Premyer Li Keqiang ng Tsina, noong Mayo ng taong ito, at nilagdaan ng dalawang panig ang memorandum of understanding hinggil sa nasabing mekanismo, at nagsimula noong Hunyo ang operasyon ng mekanismong ito.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino