Tsina, positibo sa kasalukuyang mainam na konektibidad ng Hilaga at Timog Korea

2018-12-27 10:01:20 CRI

Ipinahayag kamakailan ng Ministring Pandepensa ng Timog Korea na hindi ilalakip sa 2018 Defense White Paper ng bansa ang pamahalaan at tropa ng Hilagang Korea bilang kaaway.

Hinggil dito, ipinahayag Disyembre 26, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na positibo ang Tsina sa kasalukuyang mainam na konektibidad ng Hilaga at Timog Korea. Umaasa aniya siyang patuloy na patitibayin ang pagtitiwalaan sa isat-isa para pabutihin ang pagtutulungan ng dalawang panig.

Ani Hua, kasalukuyang nagsisikap ang Hilaga at Timog Korea para pasulungin ang rekonsilyasyon at kooperasyon, batay sa diwa ng mga komong palagay na narating ng dalawang liderato, Deklarasyon ng Panmunjom, at Magkasanib na Deklarasyon ng Pyongyang. Aniya, ilang progreso ang natamo na sa usaping ito.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino