Kakayahan ng pagluluwas ng serbisyo ng Tsina, lumaki

2018-12-28 16:06:19

Ipinahayag kamakailan ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na noong unang 11 buwan ng kasalukuyang taon, mahigit 4. 74 trilyong Yuan, RMB ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng industriyang panserbisyo ng Tsina. Ito ay mas malaki ng 11.5% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Kabilang dito, lumampas sa 30% ang proporsyon ng halaga ng pagluluwas ng serbisyo sa service import at export ng bansa na naging bagong rekord.

Ani Gao, ang mabilis na paglaki ng service import at export ay nagpapakitang mainam at matatag ang pag-unlad ng kabuhayang panserbisyo ng Tsina.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino