Xi Jinping, nagpahayag ng mensaheng Pambagong Taon para sa 2019

2018-12-31 19:46:08 CRI

Xi Jinping, nagpahayag ng mensaheng Pambagong Taon para sa 2019

Sa bisperas ng Bagong Taon 2019, isang mensaheng Pambagong Taon ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pamamagitan ng China Media Group at Internet. Narito po ang buong teksto ng mensahe ni Pangulong Xi:

Mga binibini at ginoo, mga kasamahan at kaibigan:

Magandang gabi sa inyong lahat! Hindi tumitigil ang oras, at laging nagbabago ang panahon. Sasapit tayo sa taong 2019. Sa okasyong ito, mula sa Beijing, umaasa akong makakaabot sa inyong lahat ang aking bating Pambagong Taon.

Sa taong 2018, natamo natin ang masaganang bunga, sa pamamagitan ng matatag na determinasyon. Napagtagumpayan ng Tsina ang iba't ibang panganib at hamon, naisakatuparan ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan, pinabilis ang paggagalugad ng mga bagong lakas tagapagpasulong sa kabuhayan, at napanatili ang takbo ng kabuhayan sa makatwirang bilis. Maalawang sumulong ang mga gawain ng pagpigil sa polusyon sa hangin, tubig, at lupa; mabilis na umunlad ang iba't ibang usapin ng pagdaragdag ng kagalingan sa mga mamamayan; at tuluy-tuloy na bumuti ang pamumuhay ng mga mamamayan. Matatag na naisagawa ang mga pambansang estratehiyang gaya ng koordinadong pag-unlad ng rehiyong Beijing-Tianjin-Hebei, pag-unlad ng Yangtze River Economic Belt, konstruksyon ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area, at iba pa. Sa mga paglalakbay-suri sa iba't ibang lugar ng bansa, ikinalulugod kong makita ang magandang ekolohiya sa magkabilang pampang ng Yangtze River, mainam na lumalagong mga palay sa 1,100-hektaryang pilot rice field sa Jiansanjiang Ranch, abalang-abalang lohistika sa Shenzhen Qianhai Harbor, mabilis na umuunlad na Shanghai Zhangjiang High-tech Park, at malaking tulay sa pagitan ng Hong Kong, Zhuhai, at Macao. Ang lahat ng mga tagumpay na ito ay salamat sa kasipagan ng mga mamamayan ng iba't ibang etnikong Tsino, na gumagawa ng pinakamalaking pagsisikap para sa bagong panahon.

Sa taong ito, patuloy na naganap sa Tsina ang malaking pagbabago, dahil sa ating pagsisikap sa manupaktura, inobasyon, at konstruksyon. Matagumpay na nailunsad ang Chang'e-4 lunar probe, nakalayag ang ikalawang aircraft carrier, nakalipad ang unang sarilinang-ginawang malaking amphibious aircraft, at naisakatuparan ang pagbibigay-serbisyo ng Beidou Satellite Navigation System sa buong mundo. Gusto kong magpugay sa bawat siyentista, inhinyero, manggagawa, at lahat ng mga taong nagbigay-ambag sa mga tagumpay na ito.

Sa taong ito, natamo rin ng Tsina ang maraming bunga sa pagbabawas ng karalitaan. Nakahulagpos sa karalitaan ang 125 pang mahihirap na county at 10 milyong mahihirap na populasyon sa kanayunan. Nabawasan ang presyo ng 17 droga laban sa kanser, at nakalakip din ang mga ito sa medical insurance ng bansa. Ito ay isa sa mga hakbangin ng paglutas sa problema ng pagsasadlak ng mga mamamayan sa kahirapan dahil sa mga sakit. Buong taimtim at buong sikap sa kanilang gawain ang mahigit 2.8 milyong opisyal na nagtatrabaho para sa pagbabawas ng karalitaan. Inaasahan ko ang magandang kalusugan nila.

Laging nasa isip ko ang mga mahirap na mamamayan. Bumisita minsan ako sa dalawang pamilya ng etnikong Yi na sina Ji Hao Ye Qiu at Jie Lie E A Mu sa Sanhe Village ng Liangshan, lalawigang Sichuan; sa pamilya ni Zhao Shunli sa Sanjianxi Village ng Ji'nan City, lalawigang Shandong; sa pamilya ni Chen Yufang sa Donghuayuan community sa Fushun City, lalawigang Liaoning; at sa pamilya ni Lu Yi sa Lianzhang Village ng Qingyuan, lalawigang Guangdong. Pinag-usapan natin ang iba't ibang isyu sa kani-kanilang pamumuhay na gaya ng paglipat sa bagong tahanan pagkaraan ng likas na kalimidad, pagbibigay-tulong sa pagpawi ng karalitaan, at iba pa. Natatandaan ko pa rin ang kani-kanilang mukhang lipos ng katapatan at pag-asa. Sa okasyong ito, bumabati ako ng masagana at manigong bagong taon sa kanila at iba pang mga mamamayan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino