Mga Pangulo ng Tsina at Amerika, bumati sa ika-40 anibersaryo ng relasyong diplomatiko

2019-01-01 12:19:41 CRI

Nagpadala ng mensahe sa isa't isa, ngayong araw, Martes, unang araw ng Enero 2019, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika, bilang pagbati sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Tinukoy ni Xi, na nitong 40 taong nakalipas, sa kabila ng iba't ibang pagsubok, natamo ng relasyong Sino-Amerikano ang makasaysayang pag-unlad. Ito aniya ay nagdulot ng malaking pakinabang sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at nagbigay ng mahalagang ambag sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng daigdig. Pinatutunayan ng kasaysayan, na ang kooperasyon ay pinakamabuting pagpili ng dalawang bansa, dagdag ni Xi.

Binigyang-diin din ni Xi, na sa kasalukuyan, nasa mahalagang yugto ang relasyong Sino-Amerikano. Nakahanda aniya siya, kasama ni Pangulong Trump, na pasulungin ang relasyong ito, na may koordinasyon, kooperasyon, at katatagan, para magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at buong mundo.

Sinabi naman ni Trump, na nitong mga taong nakalipas, natamo ng relasyon ng Amerika at Tsina ang napakalaking pag-unlad. Dagdag ni Trump, ang kanyang priyoridad ay pagpapaunlad ng kooperatibo at konstruktibong relasyong Amerikano-Sino, at ang pagkakaibigan nila ni Pangulong Xi ay nagbigay ng mainam na pundasyon para sa pagtamo ng relasyon ng dalawang bansa ng mas malaking bunga sa darating na ilang taon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino