Tsina, pinababa ang taripa sa mga aangkatin at iluluwas na paninda

2019-01-01 15:16:06 CRI

Ayon sa nakatakdang iskedyul ng Ministri ng Pananalapi ng Tsina, simula ngayong araw, Martes, unang araw ng Enero 2019, isinasagawa ng Tsina ang pansamantalang import tariff sa mahigit 700 uri ng mga paninda. Ang bagong tariff rate ay mas mababa kaysa dating rate, na kinabibilangan ng zero tariff sa ilang uri ng paninda.

Samantala, simula ngayong araw, inalis din ng Tsina ang export tariff sa 94 na uri ng paninda.

Ipinahayag ng may kinalamang eksperto, na ang kasalukuyang pagpapababa ng Tsina ng taripa sa mga aangkatin at iluluwas na paninda ay konkretong hakbangin ng ibayo pang pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, at ito rin ay positibong ambag para sa pagpapasulong ng globalisasyon at integrasyong pangkabuhayan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino