Pangulo ng CMG, bumati ng Manigong Bagong Taon sa mga tagasubaybay sa ibayong dagat

2019-01-01 16:19:57 CRI

Sa pamamagitan ng radyo at network, inilabas unang araw ng Enero, 2019, ni Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG), ang mensaheng pambagong-taon sa mga tagasubaybay sa ibayong dagat. Ipinaabot niya ang kanyang pagbati ng Manigong Bagong Taon sa lahat. Ipinahayag niyang ang "Pagbabalita ng Tsina sa Daigdig, Pagbabalita ng Daigdig sa Tsina, Pagpapahigpit ng Pag-uunawaan at Pagkakaibigan ng mga Mamamayan ng Iba't-ibang Bansa sa Daigdig" ay di-nagbabagong hangarin at tungkulin ng CMG. Sa taong 2019, sasalubungin aniya ng Tsina ang ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, at ipapakita ng CMG ang isang mas tunay at komprehensibong impormasyon hinggil sa Tsina sa malawak nitong mga tagasubaybay sa buong mundo. Narito ang teksto ng kanyang pagbati:

Mga giliw na kaibigan:

Sa pamamagitan ng unang arawan ng bagong taon, at sa ngalan ng China Media Group at mga kasamahan ko, ipinapaabot ko sa lahat ng tagapakinig sa buong daigdig ang taos pusong pagbati. Manigong Bagong Taon!

Noong Marso ng nagdaang taon, bilang tugon sa tunguhin ng pag-unlad ng media sa buong daigdig, naitatag ang CMG na binubuo ng China Radio International (CRI), China Central Television (CCTV), at China National Radio (CNR). Sa mensaheng iniwan ng isang netizen mula sa Argentina na si Ricardo Huerta, bumati siya ng pagkakatatag ng CMG. Aniya, naramdaman niya ang isang malapit at magandang Tsina.

Salamat sa matapat na paghikayat ng mga kaibigan, hindi kailanman nakalimutan ng CMG ang orihinal na hangrin nito. Isinasabalikat ng bagong tatag na CMG ang katulad na tungkuling "pagbabalita ng Tsina para sa buong daigdig, pagbabalita ng buong daigdig sa Tsina, at pagpapalalim ng pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba't-ibang bansa sa daigdig. Sisikapin naming maging mas mabuti ang aming mga gawain para magkaloob ng mas mainam na serbisyo sa mga tagasubaybay.

Minsa'y sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pag-unlad ng Tsina ay di-maihihiwalay sa daigdig, at ang kasaganaang pandaigdig naman ay nangangailangan ng Tsina. Noong isang taon, nagpunyagi kami para mapalakas ang pagkokoordinahan at pagpapalitan ng Tsina at buong daigdig. Ang mga pagbabalitang gaya ng pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas, unang China International Import Expo (CIIE), at Porum na Pangkooperasyon ng Tsina at Aprika, ay nakatawag ng malawakang pansin mula sa daigdig. Sa mga aspektong tulad ng pangangalaga sa kalayaang pangkalakalan at pagpapasulong ng integrasyong pangkabuhayan, inilabas ng Tsina ang malinaw at makatarungang tinig. Nakuha ng mga ito ang unibersal na pagkilala ng daigdig.

Sa bagong taon, sasalubungin namin ang ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Ipakikilala ng CMG ang isang mas tunay at komprehensibong impormasyon hinggil sa Tsina para sa mga tagapakinig. Sa bagong taon, i-aabuloy namin ang mga magandang programa sa mga tagasubaybay para maipakita, na ang Tsina ay "tagapagtatag ng kapayapaang pandaigdig, tagapag-abuloy ng kaunlarang pandaigdig, at tagasuporta sa kaayusang pandaigdig," sa pamamagitan ng mga katotohanan.

Ang aming beteranong kaibigang Ruso na si Yury Tavrovsky, na sumulat ng artikulong "Xi Jinping: isinasakatuparan ang pangarap ng Tsina," ay minsang nagpadala ng mensahe sa amin. Aniya, "nananalig ako sa pagtatatag ng komunidad ng komong kapalaran ng buong sangkatauhan na iniharap ng Tsina. Ito ay malinaw na patnubay sa landas ng pag-unlad ng daigdig." Magsisikap tayo para maitatag ang komunidad ng komong kapalaran ng buong sangkatauhan at mailikha ang daigdig na may pangmalayuang kapayapaan, kaligtasan, komong kasaganaan, pagbubukas, kalinisan, at kagandahan.

Muli, Manigong Bagong Taon! Salamat po!

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino