CRI Komentaryo: Tsina, patuloy na magpupunyagi para sa mas magandang kinabukasan ng bansa at daigdig

2019-01-01 16:18:04 CRI

Inilabas kahapon, Lunes, huling araw ng Disyembre 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng Pambagong Taon, kung saan ipinahayag niya ang bating Pambagong Taon sa mga mamamayan ng Tsina at iba't ibang bansa ng daigdig.

Sa mensahe, nilagom ni Xi ang mga natamong bunga ng Tsina noong 2018 sa mga aspekto ng kabuhayan, ekolohiya, pamumuhay ng mga mamamayan, inobasyon, reporma, pagbubukas sa labas, at iba pa. Binigyang-diin niyang ang pagtamo ng mga bungang ito ay salamat sa kasipagan ng mga mamamayan ng iba't ibang etnikong Tsino, at ipinahayag niya ang pasasalamat sa mga taong gumagawa ng pinakamalaking pagsisikap para sa bagong panahon.

Tulad ng sinabi ni Pangulong Xi, ang pagpupunyagi ay siyang tanging landas tungo sa maligayang pamumuhay, at sa pamamagitan ng walang humpay na pagpupunyagi, natamo na ng mga mamamayang Tsino ang maraming benepisyo sa iba't ibang aspekto ng kanilang pamumuhay. Ini-enkorahe rin ng Pangulong Tsino ang mga mamamayan na patuloy na magpunyagi sa bagong taon, para tupdin ang kani-kanilang mga pangarap.

Sa mensahe, ipinahayag din ni Xi ang matatag at di-nagbabagong kahandaan ng Tsina ng pagpapasulong sa kapayapaan at komong kaunlaran ng buong mundo. Ang pagpupunyagi ay keyword pa rin sa usaping ito. Patuloy na magpupunyagi ang Tsina, para palakasin ang kabuhayang pandaigdig, pangalagaan ang katatagan at kasaganaan ng daigdig, at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino