Limang lunsod ng Tsina, nagsasagawa ng 144-oras na visa-free transit para sa mga dayuhan ng 53 bansa

2019-01-02 17:16:38 CRI

Mula nitong Martes, Enero 1, 2019, isinasagawa ng limang lunsod ng Tsina na kinabibilangan ng Xiamen, Qingdao, Wuhan, Chengdu at Kunming ang 144-oras na visa-free transit policy para sa mga dayuhang manlalakbay mula sa 53 bansa. Layon nitong ipagkaloob ang ginhawa para sa paglalakbay at pagbisitang komersyal ng mga dayuhan sa Tsina sa maikling panahon.

Kung may balidong international travel document, at definite onward travel itinerary sa loob ng 144 na oras, di-kailangan ng mga dayuhan mula sa 53 bansa na gaya ng Italya, Pransya, Rusya, Estados Unidos, Brazil, Timog Korea, at Hapon ang visa upang makapasok sa nasabing 5 lunsod.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino