Pangulo ng Gambia, nakipagtagpo sa Ministrong Panlabas ng Tsina

2019-01-06 16:23:25 CRI

Banjul, Kabisera ng Gambia--Nakipagtagpo Sabado, ika-5 ng Enero, 2019 si Pangulong Adama Barrow ng Gambia kay Wang Yi, dumadalaw na Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.

Sinabi ni Barrow na ito ang kauna-unahang pagdalaw ng ministrong panlabas ng Tsina sa kanyang bansa, bagay na nagpapakita ng katapatan at determinasyon ng panig Tsino sa pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa. Aniya, ang Tsina ay pinakamahalagang kooperatibong katuwang ng Gambia, mahigpit ang mithiing pulitikal ng kanyang bansa sa pagpapalakas ng kooperasyon sa Tsina, at umaasang gaganda nang gaganda ang relasyong Sino-Gambian.

Sina Wang Yi (kaliwa), Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Pangulong Adama Barrow (kanan)  ng Gambia

Ipinahayag naman ni Wang Yi na sapul nang mapanumbalik ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Gambia, mabilis at komprehensibong umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa. Hinahangaan aniya ng panig Tsino ang buong tatag na pagkatig ng Gambia sa simulaing Isang Tsina, at nakahandang walang humpay na palakasin ang pagtitiwalaan ng dalawang bansa, at katigan ang isa't isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes, upang makapaglatag ng mas matibay na pundasyong pulitikal sa pag-unlad ng kanilang relasyon sa hinaharap.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino