50th Anniversary Walk for Millions ng Community Chest ng Hong Kong, ginanap

2019-01-07 14:06:37 CRI

Hong Kong—Linggo, Enero 6, 2019, ginanap ang aktibidad na 50th Anniversary Walk for Millions ng Community Chest ng Hong Kong. Kalahok dito ang mahigit 20,000 tao. Dumalo sa seremonya ng pagsisimula sina Carrie Lam Cheng Yuet-ngor, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), at Wang Zhimin, Direktor ng Tanggapang Liasyon ng Pamahalaang Sentral sa HKSAR.

Ang nasabing paglalakad ay may habang 5.3 kilometro, at lahat ng mga naipong pondo ay gagamitin para sa mga kasaping organo ng Community Chest na nagkakaloob ng serbisyo para sa kagalingan ng mga pamilya at kabataan.

Itinatag ang Community Chest noong 1968, at palagian itong nagpupunyagi upang mangilak ng pondo para sa mahigit 160 kasaping organo sa Hong Kong.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino