Pagpasok ng American warship sa Xisha Islands, probokasyong dapat agarang itigil--tagapagsalitang Tsino

2019-01-07 18:50:37 CRI

Kinumpirma ngayong araw, Lunes, ika-7 ng Enero 2019, sa Beijing, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nang araw ring iyon, pumasok ang USS McCampbell sa territorial sea sa Xisha Islands ng Tsina, nang walang pahintulot ng panig Tsino.

Agarang nagpadala ng mga bapor at eroplanong militar ang panig Tsino para balaan at palabasin ang naturang warship ng Amerika sa teritoryo ng Tsina , dagdag ni Lu.

Ipinahayag din niyang, hinihimok ng Tsina ang Amerika na itigil ang ganitong probokasyon, at patuloy na isasagawa ng panig Tsino ang mga hakbangin para ipagtanggol ang soberanya at katiwasayan ng bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino