Pangalawang Pangulo ng Tsina, lalahok sa WEF 2019

2019-01-07 18:11:18


Ipinatalastas ngayong araw, Lunes, ika-7 ng Enero 2019, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, mula ika-21 hanggang ika-24 ng buwang ito, si Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina ay dadalaw sa Switzerland at lalahok sa 2019 taunang pulong ng World Economic Forum sa Davos.


Ipinahayag ni Lu na sa taunang pulong, ipapahayag ni Wang ang palagay at paninindigan hinggil sa pag-unlad ng Tsina at iba pang mahalagang isyung pandaigdig na kinabibilangan ng globalisasyong pangkabuhayan. Umaasa aniya ang Tsina na magsikap, kasama ang iba't ibang panig, para magbigay ng positibong ambag sa pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig at pagpapasulong ng komong pag-unlad ng sangkatauhan.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino