National Publicity Ministers' Meeting ng Tsina, binuksan

2019-01-08 10:52:55 CRI

Binuksan Enero 6, 2019 sa Beijing ang National Publicity Ministers' Meeting ng Tsina. Dumalo sa pagtitipon si Wang Huning, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Kumunista ng Tsina (CPC) at Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC. Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Wang na dapat igiit ng buong partido ang “Ideya ni Xi Jinping hinggil sa Sosyalismong May Katangiang Tsino sa Bagong Panahon,” para ibayo pang pasulungin ang malusog na atmospera, positibong enerhiya, at inobasyon sa gawain ng publisidad. Tinukoy niyang dapat pabutihin ng buong partido ang pagbibigay-impormasyon  sa taong 2019, alinsunod sa siyentipikong pagtaya at desisyong ginawa ng Komite Sentral ng CPC. Aniya, dapat magkaisa ang buong CPC para mabuo ang mainam na opinyong pampubliko para sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republikang Bayan ng Tsina.



Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino