Tsina, nakahandang ibayong pasulungin ang pagtutulungan ng Tsina at DPRK-Tagapagsalitang Tsino

2019-01-11 11:38:48 CRI

Ipinahayag Enero 10, 2019 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at DPRK, nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng DPRK para pahigpitin ang mataas na estratehikong pagpapalitan, ibayong pasulungin ang pagtutulungan, pasulungin ang proseso ng kalutasang pampulitka ng isyu ng Peninsula ng Korea, at magkasamang pangalagaan ang katatagan at kaunlaran ng rehiyon at daigdig.

Winika ito ni Lu bilang tugon sa pagdalaw kamakailan sa Tsina ni Kim Jong-un, Kataas-taasang lider ng DPRK.

Tinukoy ni Lu na pinahahalagahan ng Tsina ang mapagkaibigang pakikipagtulungan sa DPRK. Aniya, ang pagpapatibay ng bilateral na pagtutulungan ng dalawang panig ay nagsisilbing matatag na patakaran ng Tsina.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino