Ministrong Panlabas ng Tsina at Britanya, nag-usap

2019-01-11 11:46:34 CRI

Nag-usap sa telepono Enero 10, 2019 sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Jeremy Hunt ng Britanya. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa relasyong Sino-Britaniko at isyu ng Myanmar. Ipinahayag ni Wang na bilang komprehensibong estratehikong magkatuwang, umaasang hihigpit ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Britanya. Umaasa aniya siyang maayos na hahawakan ng Britanya ang mga may-kinalamang isyung posibleng maging negatibo sa pagtitiwalaan at malusog na pagtutulungan ng dalawang panig.

Nang mabanggit ang isyu ng Myanmar, ipinahayag ni Wang ang pag-asang mapapahigpit ang pagpapalitan at koordinasyon ng Myanmar at Bangladesh, at sisimulan ang gawain ng pagpapabalik sa mga refugees sa lalong madaling panahon, para pasulungin ang kalutasan ng mga may-kinalamang isyu ng dalawang panig.

Ipinahayag naman ni Hunt na pinahahalagahan ng Britanya ang pakikipagtulungan sa Tsina, at positibong papel ng bansa sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Aniya, nakahanda ang Britanya na pahigpitin ang pakikipagpalitan sa Tsina hinggil sa bilateral na pagtutulungan at mga mainit na isyung kinabibilangan ng isyu ng Myanmar.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino