Chang'e-4 probe, kumuha ng larawang panoramik sa malayong bahagi ng buwan

2019-01-11 12:45:32 CRI

Ang mga larawang panoramik ng buwan ay kinunan ng Chang'e-4 probe ng Tsina makaraang magsagawa ito ng makasaysayang soft-landing sa malayong bahagi o far side ng buwan, Enero 3, 2019.

Ang Chang'e-4 lunar probe ay binubuo ng isang lander at isang rover. Ang nasabing mga larawan na kinuha ng lander at ipinadala sa pamamagitan ng relay satellite na Queqiao (Tulay-Magpie), ang inilabas ngayong araw ng China National Space Administration (CNSA).

Ayon sa CNSA, nasa mainam na kondisyon ang lander, rover at relay satellite.

Ang programa ng Chang'e-4 na sinimulan noong Enero, 2016 ay binubuo ng dalawang pangunahing misyon ng paglulunsad ng relay satellite na Queqiao at lunar probe. Noong Mayo 21, 2018, inilunsad ng Tsina ang relay satellite sa nakatakdang orbita.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino