Relasyong Sino-Afghani, isusulong

2019-01-13 15:13:12

Beijing - Sa kanyang pakikipagtagpo kamakailan kay Hamdullah Mohib, Tagapayo ng Pambansang Seguridad ng Pangulo ng Afghanistan, tinukoy ni Guo Shengkun, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na ang matagumpay na pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Ashraf Ghani sa Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa Qingdao, ay nakapagbigay ng ibayo pang patnubay sa direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Umaasa aniya ang dalawang panig na mabuting maisasakatuparan ang komong palagay ng dalawang lider para walang humpay na mapataas ang lebel ng estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Dagdag pa ni Guo, nakahanda ang law enforcement department ng Tsina na palalimin ang pakikipagkooperasyon sa Afghanistan sa larangan ng paglaban sa terorismo, seguridad sa hanggahan, at iba pa, para mapangalagaan ang seguridad at kapakanan ng pag-unlad ng dalawang bansa at mapasulong ang kapayapaan at katatagang panrehiyon.

Ipinahayag naman ni Mohib na patuloy at matatag na bibigyang-dagok ang terorismo. Umaasa aniya ang kanyang bansa na mapapalakas ang kooperasyong Afghani-Sino sa aspekto ng pagtutupad ng batas.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino