Si Hui Fujun ay isinilang sa lunsod Qingyang ng lalawigang Gansu ng Tsina. Sa Qingyang, ang sining ng paggupit ng papel ay mayroong mahabang kasaysayan, at ngayon, ang “Qingyang Paper Cut ” ay inilakip na sa listahan ng intangible cultural heritage.
Mula noong 6 na taong gulang pa lamang, nagsimula na niya ng pag-aaral ng nasabing tradisyonal sining. Ngayon, siya ay isa nang ganap na alagad ng sining ng paggupit ng papel at tagapagmana ng intangible cultural heritage na ito.
Nagtuturo si Hui Fujun ng paggupit ng papel sa lokal na paaralan, at umaasa siyang sa pamamagitan nito, malalaman ng mas maraming tao ang sining ng paggupit ng papel.