Government work report, makakatugon sa ikinababahala ng mga mamamayan: Premyer Tsino

2019-01-15 11:43:34 CRI

Tuwing Marso, idinaraos ang taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, kung saan pinapakinggan ng mga mambabatas ang Government Work Report.

Sa isang sesyong plenaryo ng pamahalaan nitong Lunes, Enero 14, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na tulad ng dati, ipapamahagi ng pamahalang Tsino ang balangkas na Government Work Report sa mga departamentong sentral at lokal, at iba't ibang sektor para humingi ng kuru-kuro at mungkahi.

Ipinagdiinan ni Premyer Li na nakatuon ang Government Work Report sa pagpapalalim ng pambansang reporma't pagbubukas sa labas at mga isyung may kinalaman sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino