Arms sales sa Taiwan, tinututulan ng Tsina

2019-01-15 12:02:31 CRI

Ipinahayag Enero 14, 2019 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tinututulan ng Tsina ang pagbenta ng sandata at ugnayang militar ng anumang bansa sa Taiwan. Aniya, hindi magbabago ang paninindigang ito ng Tsina.

Sinang-ayunan kamakailan ng Amerika ang pagbibigay-teknolohiya ng mga bahay-kalakal na militar para sa Indigenous Defense Submarine program ng Taiwan. Ipinahayag ng mga bahay-kalakal mula sa Amerika, Europa, Hapon at India ang kahandaang lumahok sa naturang programa.

Hinggil dito, ipinahayag ni Hua ang pag-asang susundin ng mga may-kinalamang bansa ang patakarang Isang Tsina, at ititigil ang anumang ugnayang militar sa Taiwan, para iwasan ang kapinsalaan sa pakikipagtulungan sa Tsina at kapayapaan at katatagan sa Taiwan Straits.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino