Lider ng Tsina at Finland, nag-usap

2019-01-16 10:43:22 CRI

Nag-usap Enero 15, 2019 sa Beijing sina Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at Sauli Niinistö, dumadalaw na pangulo ng Finland.

Ipinahayag ni Li na mabunga ang pag-uusap nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Niinistö. Aniya, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko, palaging sinusunod ng Tsina at Finland ang mapayapang pakikipamuhayang may paggagalangan, pagkapantay-pantay, at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan. Aniya, nagiging huwaran ang mapagkaibigang pagpapalitan ng dalawang bansa sa daigdig. Dagdag pa niya, nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng Finland, para tupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato, para ibayong pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.

Ipinahayag naman ni Pangulong Niinistö ang pag-asang ibayong pasusulungin ng kanyang biyahe ang pangkooperasyong partnership ng Tsina at Finland sa hinaharap, at matatamo nito ang mas maraming resulta. Nakahanda aniya ang Finland na magbigay-tulong sa 2022 Winter Olympic Games sa Tsina, upang ito'y maging isang matagumpay na pagtitipong pampalakasan ng daigdig.

  

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino