Ministring Panlabas ng Tsina: hinimok ang Kanada na igalang ang soberanyang pambatas ng Tsina

2019-01-16 11:07:16

Sa regular na preskon, ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hinatulan ng bitay si Robertlloyd Schellenberg, isang kanadyano, dahil malinaw ang katotohanan ng kanyang krimen, at sapat ang katibayang magpapatunay nito. Dagdag ni Hua, ang mga sinasabi ng panig ng Kanada sa isyung ito ay walang pundamental na diwang pambatas, at lubos na ikinalulungkot ng Tsina ang ginagawang ng Kanada. Hinimhimok aniya ng Tsinan a igalang ng Kanada ang soberanyang pambatas ng Tsina, at itigil ang pagpapahayag ng di-angkop na mga salita.

Kamakailan, ninatulan ng bitay si Robertlloyd Schellenberg dahil sa pagpupuslit ng droga. Binatikos ni Juastin Trudeau, Premyer ng Kanada, ang Tsina hinggil dito. Bilang tugon, binigyan-diin ni Hua Chunying na malinaw ang katotohanan ng krimen ni Schellenberg at sapat ang katibayang magpapatunay nito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino