Timog Korea, nagpalabas ng White Paper

2019-01-16 11:24:15


Ipinalabas kahapon ng Ministring Pandepensa ng Timog Korea ang “White Paper Hinggil sa depensa ng Timog Korea para sa taong 2018.” Sa white paper, inalis ang pahayag na itinuturing na "kaaway" ang Hilagang Korea. Kasabay nito, pinalitan din ang ilang salitang pang-militar na nakatuon sa Hilagang Korea.


Sinabi ng White Paper na sa loob ng taong 2018, matagumpay na idinaos ang Pagtatagpo ng mga lider ng Timog Korea at Hilagang Korea, at pagtatagpo ng mga lider ng Hilagang Korea at Amerika. Ito ay lumikha ng bagong kapaligirang panseguridad para sa pagsasakatuparan ng ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula at pagtatatag ng permanenteng sistemang pangkapayapaan, anito pa. Ayon pa sa dokumento, partikular na, nilagdaan ng mga ministrong pandepansa ng Timog at Hilagang Korea ang Agreement on Military Affairs Under the Panmunjom Declaration, ito ang naglatag ng pundasyon para sa pagtatatag ng pagtitiwalaan sa isa't isa.


Ayon sa salaysay ng Ministring Pandepensa ng Timog Korea ang White Paper ay binubuo ng 7 kabanata na kinabibilangan ng maraming mahalagang tema.

Salin:Sarah


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino