Pagtutulungan ng Tsina at Rusya, may walang hanggang potensyal

2019-01-18 11:57:55 CRI

Ipinahayag Enero 16, 2019 ni Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, na sa ilalim ng pamumuno nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, natamo ng magkabilang panig ang malaking tagumpay sa ibat-ibang larangan noong 2018. Aniya, bilang mapagkaibigang magkapitbansa, malawak ang komong interes ng Tsina at Rusya. Noong 2018, lumikha ng bagong rekord ang kabuuang halaga sa kooperasyong pangkalakalan ng dalawang panig, at nagbigay ng suporta ang dalawang bansa sa mga suliraning panrehiyon at pangdaigdig sa multilateral na balangkas, dagdag ni Lavrov.

Hinggil dito, ipinahayag Enero 17, 2019 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya, ang pangangalaga sa mataas na mapagkaibigang pagtutulungan ay nagsisilbing komong mithiin ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan. Aniya, ang Tsina at Rusya ay kapuwa naging at magiging mahalagang strategic stabilizing factor sa pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig, at walang hanggan ang potensyal ng ibayong pagpapasulong ng mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino