Konsiyertong pambagong-taon ng tradisyonal na instrumentong musikal ng Tsina, idinaos

2019-01-18 15:31:59 CRI

Idinaos kagabi, Enero 17, sa Ju Yin Theatre ng Beijing People's Art Theatre ang konsiyertong pambagong-taon na nagtatampok sa gu qin at xiao, tradisyonal na instrumentong musikal ng Tsina. Ang gu qin ay de-kuwerdas na kinakalabit na instrumento at ang xiao naman ay plawtang yari sa kawayan.

Magkasamang tumugtog sa konsiyerto ang alagad ng sining sa gu qin na si Guo Huaijin at alagad ng sining sa xiao na si Yu Fei.

Kabilang sa mga kilalang akda na tinugtog nila ay Dumadaloy na Tubig, Pagdapo sa Dalampasigang Buhangin ng Mailap na Gansa, Pangungulila sa Matagal na Kaibigan, at iba pa.

Si Guo Huaijin

Si Yu Fei

Sina Guo at Yu habang tinutugtog ang Pagdapo sa Dalampasigang Buhangin ng Mailap na Gansa

Sina Guo at Yu habang tinutugtog ang Pangungulila sa Matagal na Kaibigan

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino