2019 Dialogue Meeting on ASEAN Business Opportunities, idinaos sa Beijing

2019-01-18 19:36:29


Idinaos kahapon dito sa Beijing Kahapon ang 2019 Dialogue Meeting on Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Business Opportunities na magkakasamang itinaguyod ng China-ASEAN Business Council(CABC), China Southern Power Grid Company Limited at iba pa.


Ang naturang  pulong ay bahagi ng China-ASEAN Celebrating New Year Activity. Lumahok sa naturang pulong ang halos 200 tauhan mula sa mga embahada ng mga kinauukulang bansang ASEAN, at sirkulo ng industriya ng kapuwang Tsina at ASEAN.


Sa naturang pulong, isinalaysay ng mga commercial counselors mula sa embahada ng mga bansang ASEAN ang kasalukuyang kalagayang pangkabuhayan, patakarang komersyal ng kani-kanilang bansa, at ang bagong pagkakataon ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN.


Sinabi ni Glenn G. Penaranda, Commercial Counselor ng Embahada ng Pilipinas sa Tsina na winewelkam ng kanyang bansa ang pamumuhunan ng Tsina sa Pilipinas, pangunahin na, sa mga larangang tulad ng industriya ng imprastruktura, industriyang pangmanupaktura, industriyang agrikultural, industriya ng pangingisda at panggugubat, serbisyong medikal, pabahay, industriya ng enerhiya, imprastrukturang panturismo, industriya ng serbisyo at iba pa. Ang naturang mga industriya ay tugma sa ng masusing larangan at direksyon ng kooperasyon sa ilalim ng “Belt&Road”Initiative. Umaasa aniya ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas na mahigpit na makikipagkooperasyon sa CABC, para tulungan ang pag-unlad ng mga bahay-kalakal ng dalawang panig. 

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino