Relasyon ng Tsina at Cameroon, isusulong

2019-01-20 11:01:16

Yaounde - Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Enero 18 (local time), 2019, kay Pangulong Paul Biya ng Cameroon, ipinahayag ni Yang Jiechi, espesyal na kinatawan ni Pangulong Xi Jinping, at Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na may mahabang panahon ang pagkakaibigan ng Tsina at Cameroon. Aniya, sa matagumpay na biyahe ni Pangulong Biya sa Tsina noong isang taon, narating nila ni Pangulong Xi ang mahalagang komong palagay, at sinalubong ng relasyon ng dalawang bansa ang mahalagang pagkakataon ng pag-unlad.

Tinukoy din ni Yang na dapat palawakin ng dalawang panig ang pagpapalitang pangkaibigan sa iba't-ibang antas, palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't-ibang larangan, at palakasin ang pagpapalitang pangkultura. Nakahanda ang panig Tsino na magbigay-tulong sa Cameroon sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan nito, dagdag niya. 

Ipinahayag naman ni Biya na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina. Pinasalamatan din niya ang ibinibigay na pagkatig at tulong ng panig Tsino sa Cameroon.

Salin: Li Feng


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino