Relasyon ng mga hukbong Tsino at Lao, palalakasin

2019-01-20 11:08:28

Vientiane - Sa kanyang pakikipagtagpo Sabado, Enero 19, 2019 kay Miao Hua, Kagawad ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sinabi ni Boungnang Vorachith, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP) at Pangulo ng Laos, na umaasang walang humpay na mapapatibay ang tradisyonal na pagkakaibigan, mapapalimin ang kooperasyong Lao-Sino sa iba't-ibang larangan para mapasulong pa ang relasyon ng dalawang partido, bansa, at hukbo.

Ipinahayag naman ni Miao ang kahandaan ng panig Tsino na ibayo pang palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang hukbo para makapagbigay ng mas malaking ambag sa pag-unlad ng komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino