Normal na pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina, pinigil ng Amerika

2019-01-22 10:57:47 CRI

Binalaan kamakailan ng Amerika ang Israel na ihinto ang proyektong pangkooperasyon na pinapatatakbo ng pamumuhunan ng Tsina sa Haifa Port ng Israel, dahil sa umano'y isyung panseguridad. Kaugnay nito, ipinahayag ng isang opisyal Israeli na tila biro ito ng Amerika. Aniya, kung gusto ng Tsina na kumalap ng mga impormasyon sa Haifa, maaari itong umupa lamang ng isang tirahan sa lokalidad, sa halip na mamuhunan sa isang daungan.

Nang sagutin niya ang tanong ng mga mamamahayag hinggil dito, ipinahayag Enero 21, 2019 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinupulaan at pinipigilan ng Amerika ang normal na pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina, sa umano'y pangangatwiran ng pambansang seguridad. Aniya, hindi lamang mahirap na maunawaan ng Tsina ang mga ito, kundi tinututulan ito ng kaalyado ng Amerika.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino