Xi Jinping: palakasin ang kahandaang pigilan ang malaking panganib at pangalagaan ang katatagang panlipunan

2019-01-22 12:35:48 CRI

Idinaos Enero 21, 2019 ang simposyum ng mga opisyal na militar hinggil sa pagpigil ng malaking panganib sa Pag-aaral ng Partido ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Sa seremonya ng pagbubukas, nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng CPC, binigyan-diin niyang dapat isa-isip ang pagbabago ng kapaligirang panlabas at bagong isyu at hamong kinakaharap ng reporma at pag-unlad ng Tsina. Aniya, dapat pataasin ang kakayahan ng pagpigil ng malaking panganib at pangalagaan ang patuloy at malusog na pag-unlad ng kabuhayan at katatagan ng lipunan, at nang sa gayo'y, mailatag ang matibay na pundasyon para maisakatuparan ang pag-ahon ng bansa.

Ang seremonya ng pagbubukas ng nasabing simposyum ay pinanguluhan ni Li Keqiang, Premiyer ng Tsina at Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, at nilahukan ng iba pang mga miyembro ng nasabing Pulitburo.

Salin:Lele

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino