PM ng Biyetnam at embahador Tsino, nagtagpo; pagkakaibigan ng dalawang bansa, isusulong

2019-01-23 18:18:08

Nakipagkita kamakailan sa Hanoi si Nguyễn Phú Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam at Presidente ng bansa kay Xiong Bo, Embahador Tsino sa Biyetnam. Ipinahayag niyang ang pagpapatatag at pagsusulong ng pagkakaibigan sa pagitan ng Biyetnam at Tsina ay hindi lamang benepisyal sa konstruksyon ng dalawang bansa, kundi makakapag-ambag din sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon at maging daigdig.

Binigyan ni Nguyễn Phú Trọng ng mataas na papuri ang kasalukuyang relasyon ng Biyetnam at Tsina. Ipinahayag niyang ang Biyetnam at Tsina ay kapwa sosyalistang bansang pinamumunuan ng Partido Komunista. Nagkamit aniya ng makabuluhang tagumpay ang dalawang panig sa pagpapasulong ng sosyalistang adhikain na may kani-kanilang sariling katangian.

Sinabi naman ni Xiong Bo na handa ang Tsina na magsikap kasama ang Biyetnam na manahin at patingkarin ang tradisyonal na pagkakaibigan; panatilihin ang pagkokontakan sa mataas na antas; palalimin ang pragmatikong pagtutulungan; palawakin ang kultural na pagpapalitan; at isulong ang patuloy, malusog at matatag na kaunlaran ng relasyon ng Tsina at Biyetnam.

Salin: Wendy
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino