70 taong pag-unlad ng Tsina: sa pananaw ng pangalawang pangulong Tsino

2019-01-24 10:05:14 CRI

Davos, Switzerland—Sa kanyang talumpati sa taunang pulong ng World Economic Forum (WEF), nitong Miyerkules, Enero 23, local time, isinalaysay ni Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina ang hinggil sa landas ng pag-unlad ng bansa nitong 70 taong nakalipas sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina.

Aniya, nitong nakalipas na pitong dekada, nananangan ang Tsina sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa pagpapatupad sa sosyalismong may katangiang Tsino, at sa pagpapauna sa mga interes ng mga mamamayan.

Dagdag ni Wang, nitong 70 taong nakalipas, nakaranas ang Tsina ng transisyon mula sa pagtatatag ng nagsasariling bansa patungong reporma't pagbubukas sa labas at pagpapauna sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan, mula sa rebolusyon patungong reporma, mula sa planadong ekonomiya tungo sa market ecomony, at mula sa pagkakabukod sa labas tungo sa panlahat na pagbubukas. Bunga nito, natamo ng mga mamamayang Tsino ang kasalukuyang pag-unlad.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino