Kasaysayan, kultura't pilosopiya, susi sa pag-unawa sa Tsina

2019-01-24 10:07:46 CRI

Davos, Switzerland—Sa kanyang talumpati sa taunang pulong ng World Economic Forum (WEF), nitong Miyerkules, Enero 23, local time, ipinahayag ni Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina na ang kasaysayan, kultura at pilosopiya ay mga susi sa pag-unawa sa kanyang bansa.

Saad ni Wang, ito ang kanyang sagot sa tanong ng maraming kaibigang dayuhan kung bakit ganito kalaki ang natamong pag-unlad at progreso ng Tsina, at paano makikitungo ang Tsina sa mundo makaraan itong sumagana?

Diin ni Wang, buong higpit na may kaugnayan ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap, at kung nais malaman ang hinggil sa kasalukuyang kalagayan at kinabukasan ng Tsina, kailangang malaman ang hinggil sa kasaysayan ng Tsina.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino