Wang Qishan, inilahad ang posisyon ng Tsina sa globalisasyong pangkabuhayan

2019-01-24 11:35:07 CRI

Sa kanyang paglahok kahapon, Miyerkules, ika-23 ng Enero 2019, sa taunang pulong ng World Economic Forum (WEF) na idinaraos sa Davos, Switzerland, sinabi ni Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina, na ang pagkakamit ng pinakamalaking pakinabang ang pangunahing prinsipyo ng globalisasyong pangkabuhayan. Aniya, batay sa prinsipyong ito, habang binubuo ang global industrial chain, idinadako ang mga yaman sa mga bansa at rehiyong na may mababang gugulin sa produksyon at may magandang kapaligirang pang-negosyo.

Sinabi ni Wang, na sa prosesong ito, mula sa mababang lebel ng global industrial chain, nakaabot ang Tsina sa gitna at mataas na lebel. Malaki ang pangangailangang dulot ng 1.4 bilyong yumayamang Tsino, at ipinakikita ng pamilihang Tsino ang malaking potensyal, dagdag niya.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino