Kasaysayan, kultura, at pilosopiya, susi para maintindihan ang Tsina

2019-01-24 15:18:55

Sa pagpapalagayang pandaidig, isa sa mga pinanggagalingan ng pinakamalaking miskonsepsyon sa mga mamamayang Tsino ay mga maling palagay na dulot ng di-sapat na kaalaman tungkol sa Tsina. Samantala, interesado ang mga dayuhan, partikular na ang mga bansang Kanluranin, sa pag-unlad at patakaran ng Tsina, ngunit hindi nila ito lubos na naiintindihan. Sa kanyang pagdalo sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, tinukoy ni Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina, na ang kasaysayan, kultura, at pilosopiya, ay ang susi para maintindihan ang Tsina.

Sinabi ni Deng Xiaoping, dating lider ng Tsina, "pinakamahalaga ang kaunlaran." Maraming beses ding tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang kaunlaran ay palagiang tema ng lipunan ng buong sangkatauhan, at ang kaunlaran ay nagiging pundasyon at susi para malutas ang lahat ng problema sa Tsina. Binibigyan ng lubos na pansin ng Tsina ang pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, bagay na malaking nagpasulong sa pagbabago at pag-unlad ng lipunang Tsino.

Sa larangan naman ng pagpapalagayang panlabas, iniharap ng Tsina ang ideya ng pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig at tumpak na opinyong pangkapakanan. Pokus ng bagong relasyong pandaigdig ay itaguyod ang kooperasyon at win-win sa halip ng komprotasyon at sariling pagtatamasa. Dapat ding itakwil ang kagawian ng pagkalas sa mga kapitbahayan, at "zero-sum game," ayon sa nasabing ideyang Tsino.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino