Pagsisikap ng Venezuela sa pangangalaga sa soberanya, suportado ng Tsina

2019-01-25 12:08:25 CRI

Nanumpa Enero 23, 2019 si Juan Guaido, Presidente ng National Assembly ng Venezuela upang manungkulan bilang “pamsamantalang pangulo” ng bansa. Nang araw ring iyon, ipinahayag ang pagtanggap sa kanyang panunungkulan ng mga bansang kinabibilangan ng Estados Unidos at Brazil. Samantala, ipinahayag ng Supreme Court ng Venezuela na ito ay labag sa konstitusyon ng bansa. Ipinatalastas din ni Pangulong Nicholas Maduro ng Venezuela ang pagputol sa relasyong diplomatiko sa Estados Unidos.

Nang sagutin ang tanong ng mga mamamahayag hinggil dito, ipinahayag Enero 24, 2019 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na suportado ng Tsina ang pagsisikap ng pamahalaan ng Venezuela para pangalagaan ang soberanya, kasarinlan at katatagan ng bansa. Tinututulan aniya ng Tsina ang pakikialam ng ibang bansa sa mga suliraning panloob ng Venezuela. Umaasa rin aniya siyang lilikha ng mainam na kondisyon ang komunidad ng daigdig para pasulungin ang pagsasakatuparan ng katatagan ng Venezuela.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino