Premyer Tsino, nakipagtagpo sa mga kinatawan ng mga ekspertong dayuhan sa Tsina

2019-01-26 19:38:12 CRI

Premyer Tsino, nakipagtagpo sa mga kinatawan ng mga ekspertong dayuhan sa Tsina

Pinatawag kahapon, Biyernes, ika-25 ng Enero 2019, sa Beijing, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang taunang talakayang nilahukan ng mga kinatawan ng mga ekspertong dayuhan sa bansa, para pakinggan ang kani-kanilang mga palagay at mungkahi hinggil sa pag-unlad ng Tsina.

Binigyang-diin ni Li, na buong tatag na pasusulungin ng Tsina ang reporma at ibayo pang palalawakin ang pagbubukas sa labas. Ipinahayag niya ang pagtanggap sa pagpasok sa Tsina ng mga kompetetibong produkto at teknolohiya ng iba't ibang bansa, at ang determinasyon ng Tsina na lumikha ng mas pantay na kapaligirang pangnegosyo.

Ipinahayag din ni Li, na ibayo pang pabubutihin ng pamahalaang Tsino ang iba't ibang hakbangin ng pangangasiwa at paglilingkod sa mga dayuhang propesyonal, para magbigay ng mas malaking ginhawa sa kanilang pamumuhay at trabaho sa Tsina.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino