Pangulong Tsino, nagpadala ng mensaheng pakikiramay kay Pangulong Jair Bolsonaro ng Brazil

2019-01-27 15:20:48

Kaugnay ng grabeng human casualty na dulot ng pagguho ng dam sa estado ng Minas Gerais sa Brazil, ipinadala Sabado, Enero 26, 2019, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pakikiramay sa kanyang counterpart na si Jair Bolsonaro ng Brazil.

Sa mensahe, sinabi ni Pangulong Xi na sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, at kanyang sarili, ipinahayag nila ang lubos na pakikidalamhati sa mga biktima sa naturang aksidente. Ipinahayag din niya ang taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga nasawi at nasugatan, at sa mga mamamayan ng Brazil.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino