Tsina, mahigpit na kinondena ang marahas na insidente ng pagsabog sa Jolo, Sulu

2019-01-29 10:02:27

Bilang tugon sa magkakasunod na pagsabog na naganap sa isang simbahan sa Pilipinas, ipinahayag Lunes, Enero 28, 2019, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mahigpit na kinokondena ng panig Tsino ang marahas na insidente ng pag-atake na nakakatuon sa mga sibilyan sa probinsyang Sulu. Ipinahayag aniya ng panig Tsino ang pakikidalamhati sa mga nasawi, at ang pakikiramay sa mga sugatan at kamag-anakan ng mga biktima.

Sinabi ni Geng na tinututulan ng panig Tsino ang lahat ng porma ng terorismo. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng Pilipinas, para magkakasamang harapin ang panganib at hamong dulot ng terorismo at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagang panrehiyon at pandaigdig.

Nitong Linggo, Enero 27, naganap ang dalawang bombing incidents sa Cathedral of Our Lady of Mount Carmel sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng di-kukulangin sa 20 katao, at ikinasugat ng 81 iba pa. Ipinahayag ng Islamic State (IS) na sila ang may kagagawan sa insidenteng ito.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino